^

Police Metro

Barko ng BFAR binangga, binomba ng water cannon ng China

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binangga at binomba umano ng water cannon ng China ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources malapit sa Escoda Shoal sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) nitong linggo.

Sa inisyal na ulat, dalawang China Coast Guard (CCG) vessels ang bumuntot sa BRP Datu Sanday.

Ang insidente ay sa gitna na rin ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa WPS na binu-bully ang Pilipinas na isa sa mahigpit  nitong kaagaw sa teritoryo.

Isa sa mga barko ng CCG ay binangga ang nasabing barko saka dumistansya sa BFAR vessel sa maritime area na nasasaklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Samantala, isa pang barko ng CCG ay nagpaulan naman sa BRP Datu Sanday habang ang mga Chinese militia vessel ay pumalibot din sa nasabing barko.

Una rito, noong nakalipas na Lunes ay binangga rin ng CCG ang BRP Bagacay (MRRV-4410) ay BRP Cape Engaño (MRRV-4411) ng Philippine Coast Guard habang naglalayag patungo sa Patag at Lawak Islands malapit sa Escoda Shoal. Ang nasabing mga barko ay nagtamo ng pinsala sa insidente.

Ang pangyayari ay kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (WPS) na inihayag na maghahain ng diplomatic protest laban sa China.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with