Alice Guo, magpapaampon sa ‘Golden Triangle’ syndicate!

Sen. Risa Hontiveros resumes the probe on Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo’s alleged involvement in illegal Philippine offshore gaming operations on May 22, 2024.
The STAR / Jesse Bustos

Para iwas aresto

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa pag-aresto, sinusu­bukan na umano ng napatalsik na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pumasok at magpaampon sa “Golden Triangle”, ilang araw makaraan namang maaresto ang kanyang kapatid na babae at isa pang kasabwat sa Indonesia at ma-deport pabalik ng Pilipinas.

“We are confident that she is trying to get into the Golden Triangle. The Guo family has business interests in Cambodia,” pahayag ni Winston Casio, spokesperson ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pulong balitaan sa Quezon City kahapon.

Ani Casio, posibleng si Guo at kanyang mga kasama ay magtatangkang pumasok sa Golden Triangle o ang mainland Southeast Asia na border ng Mekong River countries sa Laos, Thailand, Myanmar at Cambodia.

Ang “Golden Triangle” ay isa umanong crime-infested areas sa Cambodia, Myanmar at Laos na kontrolado ng mga sindikato at triads. Mayroon din aniyang gambling business ang pamilya ni Guo sa Cambodia kaya posibleng ito ang pinakaligtas na maaaring puntahan ngayon ng nasibak na alkalde.

“They are part of a big criminal organization, ‘yung Fujian Gang kung saan kabilang ang mga Guo ay kabahagi ng Golden Triangle triad,” ayon pa kay Casio.

Aminado naman ang opisyal na mahihirapan silang arestuhin si Guo sa Golden Triangle dahil mayroon pang giyera sa Myanmar ngayon.

Si Alice Guo ay huling nakita sa Pilipinas noong Hulyo 14 sa isang resort at dito nakita si Alice Guo na sumakay ng speed boat.

Noong Hulyo 17 aniya, umalis si Alice Guo sa Bali, Indonesia papuntang Kuala Lumpur, Malaysia at makaraan ang apat na araw ay nagpunta sa Singapore at dito siya pansamatalang tumigil ng halos isang buwan bago nagpunta sa Batam, isang industrial town at transportation hub sa Indonesia.

Sinabi rin ni Casio na dahil sa itinuturing ngayon ng China na “person of interest” si Alice Guo bunsod sa akusasyon ng illegal gambling, hindi siya maaaring magtungo sa China sakaling magdesisyon na pumuslit uli siya mula Indonesia.  Masyado aniyang mahigpit ang China kaugnay sa usa­ping “gambling” sa kanilang teritoryo kaya tiyak aniya na hindi ito papasok doon.

Show comments