Sekyu binaril sa ulo ng 61-anyos, patay!

Habang naka-duty sa subdibisyon

MANILA, Philippines — Patay agad ang isang security guard ng isang subdibisyon makaraang tapatan at barilin ng isang 61-anyos habang naka-duty kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sahud-ulan, bayan ng Tanza, Cavite.

Dead-on-the spot ang biktima na si John April Paul Aquino, 28, residente ng Brgy. Balsahan Timalan, Naic, Cavite.

Tumakas naman ang senior citizen na suspek na kinilala lang sa alyas na “Gregorio”, residente ng Brgy Sahud-ulan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi kasalukuyang nagbabantay ang biktima sa entrance gate ng Brisas Subdivison nang dumating ang suspek sakay ng Yamaha soul na motorsiklo na walang plaka.

Pagtapat ng suspek sa biktima, agad niyang binaril sa ulo saka mabilis na tumakas.

Show comments