^

Police Metro

P34 milyong shabu, 2 baril at granada samsam sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng Sta. Ana Police Station-Manila Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos masabat ang may P34-milyong halaga ng shabu, dalawang baril at isang granada sa ikinasang buy-bust operation laban sa dalawang naarestong drug dealer sa Sta. Ana, Maynila, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Boss”,  39 anyos, residente ng San Andres, Malate, Manila; at isang alyas “Jho”, 30-anyos, residente rin ng lugar.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), alas-9:55 ng gabi ng Agosto 23, 2024 nang malaglag sa pain ang mga suspek na nagbenta ng iligal na droga sa poseur buyer sa panulukan ng Del Pilar at M. Roxas St., Brgy. 881, sa  Sta. Ana, Manila.

Sa pangunguna nina P/Lt. Colonel  Dionelle Brannon, P/Capt Moises Garcia at PDEA Agent Allan Capiral, matagumpay na nadakip ang mga suspek at sinamsam sa kanila ang 5-kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P34,000,000.

Nakumpiska rin sa dalawa ang isang kalibre 45 na kargado ng 2 magazine na may 14 na bala; isang kalibre 38 na may 5 bala; isang hand grenade; isang Mio MXI motorcycle (MV File number 1380-1101601) na may laminated photocopy ng Driver’s License at Official receipt; isang Vivo cellular phone; 2 full-face helmet; isang J&T plastic bag; isang flash express plastic bag; apat na kulay green refined chines tea bag na may naka-print na “DAGUANYIN” at isang yellow eco bag na may naka-print na “Barangay SAN LORENZO”.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with