^

Police Metro

Alice Guo nasa Indonesia pa rin - BI

Mer Layson - Pang-masa
Alice Guo nasa Indonesia pa rin - BI
Photo of Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo
From Mayor Alice Leal Guo's Facebook page

MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nasa Indonesia pa rin ang sinibak  na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at hindi pa nagtatangkang umalis ng bansa.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, bukod sa sinibak na ma­yor ng Bamban, Tarlac ay nasa Indonesia pa rin ang kapatid ni Guo na si Wesley sa kabila ng impormasyon mula sa Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) na nakaalis na siya ng bansa.

“We are waiting sa confirmation ng Indonesia counterparts natin kung may mga updates po sa biyahe niya,” ani Sandoval.

Ang pangalan ni Guo ay nakalista sa immigration lookout bulletin kasunod ng imbestigas­yon sa kanyang tunay na pagkakakilanlan at ang kanyang pagkakaugnay sa mga ilegal na aktibidad ng isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban.

Nauna nang sinabi ng mga otoridad na umalis si Guo sa Pilipinas noon pang Hulyo 18.

Nitong Huwebes, ipinakita ng PAOCC ang larawan ni Guo sa Kuala Lumpur International Airport noong Hulyo 21.

Samantala, ang mga kasama ni Guo na sina Shiela, kapatid nito, at isang kinatawan ng isa pang POGO firm sa Porac na si Cassandra Li Ong, ay naharang sa Indonesia at naiuwi na sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Sandoval, natuklasan nila na si Shiela ay mayroon ding Chinese passport, bukod sa kanyang Philippine passport at balido ang Chinese passport nito hanggang taong 2031.

Dagdag pa niya, ipa­de-deport umano nila si Shiela dahil sa misrepresentation at pagiging undesirable alien.

Naniniwala rin ang BI na si Shiela ay banta sa public safety, public inte­rest at national security.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with