Bigtime rollback sa presyo ng petrolyo sa sunod na linggo

Sa anunsyo ng mga oil companies, magbabawas naman sila sa presyo ng produktong petrolyo nang may P1.15 hanggang P1.35 kada litro sa presyo ng gasolina, P2.00 hanggang P2.20 per liter ang rollback sa presyo ng diesel at P1.90  hanggang P2.00 kada litro ang bawas-presyo sa kerosene.
File

MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na taas-presyo, may rollback naman ngayon ang mga produktong petrolyo na aabot sa P2 kada litro.

Sa anunsyo ng mga oil companies, magbabawas naman sila sa presyo ng produktong petrolyo nang may P1.15 hanggang P1.35 kada litro sa presyo ng gasolina, P2.00 hanggang P2.20 per liter ang rollback sa presyo ng diesel at P1.90  hanggang P2.00 kada litro ang bawas-presyo sa kerosene.

Sinasabing ang bigtime oil price rollback ay dulot nang nagdaang apat na araw na presyuhan ng mga produktong petrolyo sa merkado.

Tuwing Martes ipinatutupad ng mga oil companies ang oil price adjustment.

Show comments