^

Police Metro

Rodrigo Duterte itinurong utak sa pagpatay sa 3 Chinese drug lord sa piitan

Joy Cantos - Pang-masa
Rodrigo Duterte itinurong utak sa pagpatay sa 3 Chinese drug lord sa piitan
Former President Rodrigo Duterte during the funeral mass of Archbishop Emeritus Fernando Capalla held at San Pedro Cathedral in Davao City on Jan. 15, 2024.
Facebook/Bong Go

MANILA, Philippines — Sa pagpapatuloy nang imbestigasyon ng Quad Comm ay itinuro ng dalawang tumestigong inmates na sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando “Andy” Magdadaro na si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang utak sa pagpatay sa tatlong convicted Chinese drug lords sa loob ng maximum security facility ng Davao Prison at Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte noong Agosto 2016.

Kabilang sa tatlong Chinese na biktima ng extra judicial killing (EJK) ay sina Chu Kin Tung alyas Tony Lim; Li Lan Yan alyas Jackson Lee at Wong Meng Pin, alyas Wang Ming Ping na nakulong sa nasabing piitan matapos masentensyahan sa illegal drug trade na magkahiwalay na nakapiit sa bantay-saradong jail facility.

Ibinulgar nina Tan at Magdadaro sa Quad Comm na nilapitan umano sila ng mga law enforcement officers na konektado sa administrasyong Duterte para isagawa ang pagpatay laban sa tatlong convicted drug lords.

Binisita umano si Tan ng kaniyang high school classmate na si SPO4 Arthur “Art” Narsolis, dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) 11 sa Davao City na ang mga supe­riors ay sina Col. Edilberto Leonardo, Regional CIDG 11 Chief at Lt. Col. Royina Garman na kung saan ay ipapatrabaho sa kanila at may basbas umano sa taas at kakausapin si da­ting Pangulong Duterte na matulungan na makalaya at kung saan P 3 milyon  umano ang alok para itum­ba ang tatlong Chinese drug.

Nagbigay si Narcolis ng larawan ng mga itutumbang Chinese at noong gabi ng Agosto 13 ay isinakatuparan ang krimen na kung saan ay pinatay ni Tan si Wang habang si Magdadaro ay sina Tu at Yan na gamit ang balisong ay ibinigay naman ni Leo Pinkihan, mayor sa bartolina.

Nang mapatay ay narinig nila si Padilla na tinawagan si Duterte na sinabing “Congratulations, job well done” na nabosesan nito dahil naka-speaker phone ang cellphone nito na dalawang hakbang lamang ang layo niya dito.

vuukle comment

LEOPOLDO TAN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with