^

Police Metro

Marcos: Nagpatakas kay Guo, gugulong ang ulo

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos: Nagpatakas kay Guo, gugulong ang ulo
In this Facebook post on May 30, 2024 shows dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo meeting the winners and participants of the Bamban Battle of the Bands Poster Making Contest.
Facebook / Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Masisibak sa puwesto ang lahat ng responsable sa paglabas sa bansa ng tinanggal sa puwesto na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang post sa social media na ang pag-alis  ni Guo ay nagbunyag ng katiwalian na nagwawasak sa sistema ng hustisya at sumisira sa tiwala ng publiko.

Tiniyak din ni Marcos na malalantad ang mga salarin at nagtaksil sa tiwala ng mga tao at tumulong sa paglipad ni Guo.

Isang full-scale investigation aniya ang isasagawa at lahat ng res­ponsable ay mananagot sa batas.

Idinagdag ng Pa­ngulo na walang puwang sa gob­yerno ang sinumang inuuna ang personal na interes kaysa sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino ng may dangal, integridad at kataru­ngan.

Una nang iniutos ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Martes, Agosto 20 ang kanselasyon ng Phili­ppine passport ni Alice Guo matapos isiniwalat ni Hontiveros na nakalabas ng Pilipinas si Guo noong Hulyo 18 patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with