^

Police Metro

Mayors for Good Governance, suportado sina Sotto, Teodoro at Treñas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinapahayag ng grupong Mayors for Good Governance ang buong suporta at tiwala kina Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Pasig City Mayor Vico Sotto, at gayundin kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Ayon sa grupo, ang mga isinampang reklamo laban sa tatlong Alkalde sa Ombudsman ay pagkakataon upang lumabas ang katotohanan at malinis ang kanilang mga pangalan.

Anang grupo, hindi nila isinasantabi na ang mga kasong isinampa sa tatlo ay pamumulitika at panggigipit lalo na’t papalapit na ang filing of candidacies para sa 2025 elections.

“Bilang isang samahan na isinusulong ang mabuting pamamahala at paglaban sa katiwalian, palagi namin pinapahalagahan ang transparency at accountability,” sabi ng grupo.

Sinabi pa ng Mayor’s for Good Governance, ang tatlong alkalde ay nagpamalas at patuloy na isinasabuhay ang mga prinsipyong transparency at accountability.

“Umaasa kami na magiging patas ang imbestigasyon at sa huli, ang tama at mabuti ang mananaig. Patuloy tayong titindig, lalabanan ang mali, at isusulong ang ikabubuti para sa mga Pilipino” anila.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with