^

Police Metro

Tatay inubusan ng tanghalian, sinaksak ang anak

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na anak ang malubhang nasugatan nang saksakin ng kanyang tatay dahil sa ginawa umano nitong pag-ubos sa kanilang tanghalian sa Brgy. San Jose, Viga, Catanduanes kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Roby, binata, construction worker na nagtamo ng isang tama ng saksak sa kaliwang dibdib habang kalaboso naman at nahaharap sa kasong tangkang pamamaslang ang tatay na si Berting, 60, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-12:00 ng tanghali umuwing lasing ang suspek mula sa pakikipag-inuman. Gayunman, laking galit nito nang magbungkal ng makakain ay wala na itong mahagilap. Agad nitong kinompronta ang anak na nagduduyan sa bahay ng kapatid kung bakit kinain ang kanyang pananghalian dahilan para mainit na nagkasagutan ang mag-ama.

Umuwi ang suspek at kumuha ng kutsilyo saka tinarakan sa dibdib ang anak. Mabilis na umawat sa pananaksak ang isa pang anak nito at duguang isinugod sa Viga District Hospital ang biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with