^

Police Metro

Obrero dinedbol ng mag-utol na senglot

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang isang 25-anyos na obrero nang pagtulu­ngang saksakin ng magkapatid na lasing na kasama nito sa trabaho, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Benjie Villar Mirabite, 25, habang ares­tado naman ang isa sa mga suspek na si Jaime Capoquian Lebrino, 47 habang tugis naman ang kapatid nitong si Viner, 40. Ang biktima at mga suspek ay kapwa stay-in sa No. 26 Saret St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-6:30 ng gabi nang maganap sa pinagtatrabahuhan ng biktima at mga suspek.

Bago ito ay nag-iinuman sa ikalawang palapag ng kanilang barracks ang magkapatid na suspek kasama ang testigo na si alias Gerry.

Nang malasing ang magkapatid na suspek ay bumaba ang mga ito at nagtungo sa kanilang kuwarter kung saan nandoon ang biktima at walang kaabug-abog na pinagsasaksak.

Agad na bumaba si Gerry nang marinig ang paghingi ng tulong ng biktma at doon ay nasilip niyang pinagtutulungan ng magkapatid na saksakin ito.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen subalit agad ding nasakote si Benjie. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with