^

Police Metro

2 barko ng PCG, binangga ng Chinese Coast Guard

Joy Cantos - Pang-masa
2 barko ng PCG, binangga ng Chinese Coast Guard
Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela posted photos of damaged Philippine Coast Guard vessels following the collision with China Coast Guard (CCG) vessels in the West Philippine Sea yesterday.

MANILA, Philippines — Nagtamo ng pinsala ang dalawang barko ng Pilipinas matapos ang dalawang panibagong insidente ng pagbangga ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea.

Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nagsasagawa ng resupply mission ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard (PCG) nang magkahiwalay silang banggain ng dalawang CCG vessel malapit sa Escoda Shoal.

Naganap ang unang insidente, alas-3:24 ng madaling araw nitong Lunes habang ang BRP Cape Engaño ay naglalayag sa bahagi ng 23.01 nawtikal na milya sa timog silangan ng Escoda Shoal.

Dahilan umano sa agresibong pagmamaniobra ng barko ng CCGV-3104 ng China ay nag­resulta ito sa pagbangga sa starboard beam ng nasabing barko na lumikha ng butas sa deck nito na nasa limang diyametro ang sukat.

Nasundan ang insidente, alas-3:40 ng madaling araw kung saan nagtamo rin ng pinsala ang BRP Bagacay. — Doris Franche-Borja, Mer Layson

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with