MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaking angkas ng motorsiklo nang magulungan ng bus sa EDSA Carousel kahapon ng umaga.
Ito ang iniulat ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office kaya’t pansamantalang isinara ang EDSA Busway sa North Avenue dahil pumailalim sa bus ang biktima.
Ayon sa driver ng habal-habal, nasa northbound sila at lilipat sana sa southbound ng EDSA.
Ayon sa rider, alam niyang bawal mag U-turn doon pero sinubukan niya pa rin hanggang sa nabundol sila ng bus at bumagsak ang biktima at naipit ng gulong ng bus.
Agad namang rumesponde ang mga rescuer sa pinangyarihan ng aksidente.
Samantala may nakitang baril at magazine na may bala sa tabi ng katawan ng biktima.