Tattoo sa mga pulis bawal na - PNP

MANILA, Philippines — Mahigpit nang ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng vi­sible tattoos sa lahat ng mga pulis.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo matapos ang moratorium.

Ayon kay Fajardo, sumailalim sa masu­sing deliberasyon ang paglalagay ng mga vi­sible tattoos sa lahat ng mga pulis.

Paalala ni Fajardo sa mga aplikante at papasok sa PNP service sa pamamagitan ng recruitment, lateral entry o PNPA, bawal na bawal na ang may tattoo.

Para sa mga active police, binibigyan sila ng ng tatlong buwan para burahin ang kanilang mga visible tattoos at sinumang hindi susunod dito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Sa ngayon, inaayos naman na nila ang pro­seso sa pagbubura ng mga tattoo.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong March 2024, pinatatanggal ang lahat ng visible tattoos ng mga pulis.

Required din na gumawa ng affidavit ang isang pulis na may tattoo na hindi visible at hindi na ito pinahihintulutan pang magdagdag ng tattoo sa anumang parte ng kanyang katawan ito man ay visible o naitatago sa police uniform.

Kabilang sa mga tattoo na kailangang ipabura ay ang extremist tattoos, ethnically o religiously discriminatory at offensive tattoos, indecent tattoos, racist tattoos, sexist tattoos.

Nilinaw naman ni Fajardo na hindi kabilang sa  bagong patakaran ang aesthetic tattoos tulad ng eyebrows, eyeliner at lip tattoo.

Show comments