VP Sara walang label ang relasyon kay Pangulong Marcos

Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Walang label ang relasyon ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Wala akong label sa relationship namin ngayon. Hindi na kami nagkikita at hindi na kami nagkausap”, sinabi ni VP Sara sa isang panayam.

Sa kanyang pagdalo sa isang book donation at reading activity sa Davao City, kinumpirma rin ni Duterte na hindi na sila nagkikita o nagkakausap ng pangulo.

Sinabi rin ni Duterte na posibleng sampahan siya ng impeachment complaint.

Aniya, “Lagi namang pinag-uusapan among members of the House of Representatives ang impeachment, at naririnig din naman namin lagi ‘yon base sa mga sinasabi ng mga kaibigan doon sa loob.”

Inaasahan na aniya nila ito dahil sa mainit na pulitika sa bansa.

Show comments