Mahigpit na labanan sa Senate 2025 - RPMD survey

Inside the building of the Senate of the Philippines
The STAR / File photo

MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc. ang independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide survey na ginanap noong July 1-10, 2024 ang malalakas na kandidato sa pagka-Senador para sa darating na 2025 elections. Pinangunahan ni ACT-CIS Party List Rep. Erwin Tulfo (63.7%); dating Senate President Tito Sotto (61.4%); Ben Tulfo (58.6%) at Sen. Bong Revilla Jr. (57.9%).

Nakuha ni Sen. Imee Marcos ang ikalimang puwesto (55.1%); dating Pres. Rody Duterte (52.5%) at Sen. Bong Go (51.7%); DILG Sec. Benhur Abalos Jr. (48.6%) at Sen. Francis Tolentino (47.8%) ay nasa 8-9; Tingog Party List Rep. Yedda Romualdez ay nasa 10 puwesto (42.3%); dating Sen. Ping Lacson (38.4%) dating Sen. Manny Pacquiao (36.8%).

Sina Sen. Pia Cayetano (35.2%), Lito Lapid (30.6%), at Bato Dela Rosa (28.4%) ay nasa 13-15 puwesto.

Ang iba pang mga kandidato na isinasaalang-alang para sa halalang 2025 ay sina Willie Ong (26.1%), Abby Binay (25.6%), Gringo Honasan (23.5%), Gibo Teodoro (21.7%), Wilbert Lee (18.4%), Kiko Pangilinan (17.3%), Baste Duterte (16.1%), Dick Gordon (15.8%), Pulong Duterte (15.3%), Franklin Drilon (15.2%), Mar Roxas (14.7%), Ted Failon (13.5%), Herbert Bautista (13.1%), Willie Revillame (12.8%), Mike Defensor (11.3%), Bam Aquino (10.5%),Guiller­mo ­Eleazar (10.1%) at Dingdong Dantes (9.3%).

Sa 10,000 respondents mula sa 65M na botante, ang survey ay may 1% margin of error at 95% confidence level.

Show comments