2 babaeng drug pusher, timbog sa P3 milyong shabu

MANILA, Philippines — Dalawang babaeng drug pusher na kabilang sa high value individual (HVI) ang naaresto ng Southern Police District (SPD), sa isinagawang buy-bust operation, sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Arianne”, 37-anyos; at alyas “Jopann”, 29-anyos na sinasabing dati nang mga naaresto sa illegal drugs.

Naganap ang buy-bust sa Barangay Rizal, Taguig City, ala-1:15 ng madaling araw ay nasamsam ang anim na plastic packs na nag­lalaman ng 450 gramo ng shabu na may street value na P3,060,000.00.

Narekober ang marked money at isang cellphone na ginamit sa tran­saksyon. Nakatakdang isa­ilalim sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor’s Office ang dalawa.

Show comments