Babaeng Thailander nasamsaman ng P20.7 milyong kush sa NAIA

In this file photo taken on June 14, 2018 flowers containing CBD (Cannabidiol) but no THC (tetrahydrocannabinol) are pictured in a shop in Paris.
AFP / Geoffroy Van der Hasselt

MANILA, Philippines — Naharang ng mga otoridad ang isang babaeng Thailander nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-3 at nasamsam sa kanya ang mahigit na P20.7 milyong halaga ng kush, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Eleazar Matta, iniimbestigahan na ang suspek na isang babaeng Thailander, 40-anyos, matapos na dumaan sa controlled delivery operation (Interdiction Operation) ng International Arrival Area ng NAIA TERMINAL 3, Pasay City. 

Nabatid na galing ang suspek sa Thailand at sakay ng Thai Airways.

Nakuha sa suspek ang isang transparent plastic na naglalaman ng 14,825 grams ng marijuana kush at may standard price na P20,755,000.00.

Dinala na sa PDEA Laboratory Service ang suspek at kush na nasabat.

Ang PNP-DEG ay mi­yembro ng Ninoy Aquino International Airport Inte­ra­gency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Show comments