Guo, kinasuhan ng ‘tax evasion’ ng BIR  

Sen. Risa Hontiveros resumes the probe on Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo’s alleged involvement in illegal Philippine offshore gaming operations on May 22, 2024.
The STAR / Jesse Bustos

Bagong mayor sa Bamban, itinalaga na…

MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang bayaran ang P500,000 na halaga ng buwis sa gobyerno, sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong “tax evasion” sa Department of Justice (DOJ) ang kontrobersyal at na-dismiss nang alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui, ang kaso ay may kinalaman sa pahayag ni Guo na siya ay nagbenta ng share ng naturang korporasyon.

 “Nakita natin na hindi bayad ang buwis patungkol dito sa pagta-transfer ng shares niya na ito. Kaya malinaw na malinaw na may kasong tax evasion itong transaction na ito,” sabi ni Lumagui.

Kasama pa sa mga respondents sa kasong naisampa ng BIR sina Jack Uy, na sinasabing binentahan ni Guo ng kanyang shares sa korporasyon at Rachelle Joan Carreon, corporate secretary ng Baofu Land Development Inc.

Kasong paglabag sa Section 254 (attempt to evade or defeat tax), Section 255 (failure to file CGT and DST returns), at Section 25 (failure to file/supply certain information) sa ilalim ng National Internal Revenue Code ang ikinaso laban kina Guo at iba pang nabanggit na indibiduwal.

Samantala, nanumpa na kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos bilang acting mayor ng Bamban, Tarlac si Councilor Erano Timbang.

Ayon  kay Abalos, si Timbang ang napili ng DILG na pumalit kay dating Mayor Alice Guo matapos na iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa huli.

Magsisilbi aniya sa loob ng tatlong buwan si Timbang.

Show comments