^

Police Metro

Hair follicle drug test para sa Pangulo atbp inihain sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Hair follicle drug test para sa Pangulo atbp inihain sa Kamara
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong “ Duterte na isa­lang sa hair follicle drug test at confirmatory urine test ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno kabilang ang Pangulo para sa mithiing maging drug free ang bansa.

Ayon sa House Bill 10744, dalawa ang gagamiting paraan ng testing. Ang hair follicle drug test ang magsisilbing screening tests at ang urine drug test naman ang confirmatory test para sa mga magpopositibo sa unang test.

“Being at the forefront of public service with the mandate towards integrity and modesty, it is imperative that public officials and government emplo­yees should be the very first to uphold such Constitutional mandate by submitting themselves towards accountability measures that serve as a tool in addressing the fulfillment of this mandate,” sabi ni Duterte sa explanatory note ng panukala.

Batay sa HB 10744, ang drug test certificate ay magiging valid sa loob ng isang taon.

Ang random drug test ng mga elected at appointed officials sa gob­yerno ay isasagawa kada anim na buwan.

Idinagdag pa dito na ang otorisadong mamahala sa drug testing ay ang mga forensic laboratory ng gobyerno at maging ang mga drug tes­ting laboratories na may akreditasyon sa Department of Health (DOH) at ang resulta ng drug test ay may bisa sa loob ng isang taon.

DRUG TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with