P6.8 milyong shabu natagpuan sa baybayin ng Batangas

Ayon kay SSGT. Arturo Rosales ng Lian police station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen nang may matagpuan ito na isang pakete sa tabing dagat ng Sitio Pigtasin, Barangay Luyahan, alas-7:30 ng umaga.
Pixabay

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa mahigit isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P6.8-M ang natagpuan sa baybayin ng Lian sa Batangas, kahapon ng umaga.

Ayon kay SSGT. Arturo Rosales ng Lian police station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen nang may matagpuan ito na isang pakete sa tabing dagat ng Sitio Pigtasin, Barangay Luyahan, alas-7:30 ng umaga.

Nang siyasatin, naglalaman ito ng kulay puting powder na pinaghihina­laang shabu at agad na iti-nurnover sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)Batangas para isailalim sa chemical examination.

Matatandaang noong Marso lamang nang makarekober ang Philippine Coastguard ng mahigit P120-M halaga ng cocaine sa mga baybayin ng Surigao del Sur at Surigao del Norte maging sa Eastern Samar.

Show comments