Pangulong Marcos inaprubahan ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education
MANILA, Philippines — Upang pagbuklurin ang nagkakaisang adhikain para sa reporma sa edukasyon ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng Cabinet Cluster for Education.
Ang desisyon ng Pangulo ay kasunod nang ipinatawag na cabinet cluster meeting sa Malacañang kahapon ng umaga upang masolusyonan ang krisis sa sistema sa edukasyon.
Inatasan ng Pangulo si Education Secretary Sonny Angara na lutasin ang mga problemang kinakaharap ng mga estudyante at mga guro partikular na ang kahinaan sa ilang subject ng mga estudyante gayundin ang mga science teacher na hindi science major.
Pinabibilisan aniya ng Pangulo ang pag-aksyon sa mga problema sa DepEd upang masolusyunan ang learning crisis sa edukasyon.
Magiging komposisyon ng Cabinet cluster for education ay ang DepEd, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority gayundin ang Department of Labor and Employment at Department of Budget and Management.
- Latest