MANILA, Philippines — Ibinasura ng Court of Appeals (CA) sa petisyon para sa writ of amparo at habeas data na isinampa nina Jonila Castro at Jhed Tamano, na nauugnay sa komunistang organisasyon na nagkukunwaring mga environmental community organizers.
Kaya’t sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Assistant Director General Jonathan Malaya na isang malaking tagumpay na patunay ng katotohanan at hustisya, bilang sagot sa kampanya ng paninirang-puri at propaganda laban sa NTF-ELCAC ng komunistang grupong terorista.
Ayon sa 55-pahinang desisyon, na may petsang Agosto 2, 2024, nabigo ang mga petisyoner na patunayan ang pagkakaroon ng isang nagbabanta o patuloy na panganib sa kanilang mga karapatan sa buhay, kalayaan, o seguridad, na kinakailangan upang maglabas ng writ of amparo.
Pinasalamatan din ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC National Secretariat ang Legal Cooperation Cluster (LCC), na pinamumunuan ng Office of the Solicitor General, para sa pagtiyak ng tagumpay na ito laban sa mga ahente ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).