^

Police Metro

NTF-ELCAC wagi sa ‘harassment’ case

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Court of Appeals (CA) sa petisyon para sa writ of amparo at habeas data na isinampa nina Jonila Castro at Jhed Tamano, na nauugnay sa komunistang organisasyon na nagkukunwaring mga environmental community organizers.

Kaya’t sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Assistant Director General Jonathan Malaya na isang malaking  tagumpay na patunay ng katotohanan at hustisya, bilang sagot sa kampanya ng paninirang-puri at propaganda laban sa NTF-ELCAC ng komunistang grupong terorista.

Ayon sa 55-pahinang desisyon, na may petsang Agosto 2, 2024, nabigo ang mga petisyoner na patunayan ang pagkakaroon ng isang nagbabanta o patuloy na panganib sa kanilang mga karapatan sa buhay, kalayaan, o seguridad, na kinakailangan upang maglabas ng writ of amparo.

Pinasalamatan din ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC National Secretariat ang Legal Cooperation Cluster (LCC), na pinamumunuan ng Office of the Solicitor General, para sa pagtiyak ng tagumpay na ito laban sa mga ahente ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

COURT OF APPEALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with