^

Police Metro

Raid ng NBI sa KOJC compound ‘moro-moro’ lang! - ex pastor

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ‘moro-moro’ lamang umano ang isinagawang raid na National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Region 11 Director Archie Albao sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ito ang naging pahayag ng dating pastor ng KOJC na si Arlene Stone, nang malaman na si Albao ang nanguna sa pagsalakay sa KOJC compound gayung ‘malapit’ umano ito kay Quiboloy.

Ang umano’y “scripted” na raid ay isinagawa ng NBI matapos magpahayag si Police Regional Office 11 (PRO-11) Regional Director PBGen. Nicanor Torre na si Quiboloy ay nasa loob pa rin ng KOJC compound.

Ani Stone, inunahan nila ang PNP upang palitawin na kumikilos sila at napansin ang umano’y pagiging magiliw ni Albao sa mga miyembro ng KOJC nang isagawa ang operasyon.

Ibinunyag din ni Stone na noong panahon na siya ay nasa KOJC, regular niyang inaabot ang mga sobre na may laman na umano na pera kay Albao.

Nabatid na ang raid na naglalayong imbestigahan ang mga aktibidad ni Quiboloy ay nagdulot ng malubhang pagdududa sa integridad ng mga aksyon ng NBI.

Kaya’t nanawagan si Stone kay NBI Director Jaime Santiago na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga aksyon ni Albao na umano’y nagsisilbi ring informant ni Quiboloy.

KINGDOM OF JESUS CHRIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with