MANILA, Philippines — Binatikos at pinagtawanan ng legal experts si Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro kaugnay pag-unawa nito sa Executive Order No. 13 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang dinidinig ang Philippine Offshore Gaming Corporation.
Lumilitaw na batay sa inilabas na E.O. No. 13 noong taong 2017 ni dating Pangulong Duterte, malinaw na nakasaad ang mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay sa mga umiiral na batas.
Ayon sa mga legal experts sa batas, malinaw na hindi ito naglikha ng bagong batas kundi sinigurado lang na ang mga lisensyadong operator lang ang maaaring magpatakbo ng online gaming, alinsunod sa mga batas na pinasa na ng Kongreso.
Subalit tila taliwas naman ito sa pahayag ni Luistro sa kanyang argumento na ang E.O. 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas.
Sa ilalim kasi ng Republic Act No. 11590, na ipinasa ng Kongreso noong 2021, nagpapatibay ito ng kapangyarihan ng PAGCOR sa online gaming.
Kabilang sa ipinag-utos nito ay pag-require sa ang mga POGO na kumuha ng lisensya at magbayad ng buwis, kaya’t pinatibay ang regulasyon sa online gaming.
Anila, hindi lamang ito mali kundi nakasisira pa sa kredibilidad ng House of Representatives.