11 terorista sumuko sa Maguindanao del Sur
MANILA, Philippines — Labing-isang terorista ang sumuko sa tropa ng militar sa lalawigan ng Maguindanao del Sur kamakalawa.
Ayon kay Major Orlando Ayllon Jr., Acting Chief ng AFP-Westmincom, 8 sumukong lokal na terorista ay mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)-Karialan faction habang ang tatlo ay mula sa Dawlah Islamiyah (DI) Hassan group sa ilalim ni Almoben Sebod alyas Al na bitbit ang kanilang mga armas at mga bala.
Kabilang naman sa isinurender ng BIFF terrorists ay isang cal. 45 M1911 rifle, isang cal.38 pisto,, isang cal .30 carbine rifle, isang 5.56 MM revolver pistol, isang 40 MM M203 grenade launcher, isang 40 MM Rocket Propelled Grenade (RPG) launcher, isang cal. 30 M1 garand rifle, isang 5.56 MM machine gun, isang cal .45 magazine, tatlong rounds ng cartridge ng cal. 45 pistol, isang round ng cartridge ng RPG at isang cal 30 garand rifle.
Ang mga nagsisukong ekstremistang BIFF ay iprinisinta kay Brig. Gen. Oriel Pangcog, Commander ng Army’s 601st Infantry Brigade, Sittie Janine Gamao, Peace Program Officer ng Ministry of Public Order and Safety, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM); at Roger Dionisio, Focal Person ng Agila-Haven sa ginanap na seremonya sa 33rd Infantry Battalion Headquarters, Barangay Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur bandang alas-10 ng umaga.
Samantalang ang DI -Hassan terrorists ay isinuko naman ang isang cal. 30 garand rifle, dalawang piraso ng Improvised Explosive Devices (IEDs), isang Ingram rifle na may magazine, isang Rocket Propelled Grenade na may isang bala at isang 81 MM mortar ammunition.
- Latest