Presidential office for child protection, nilikha ni Marcos

Sa Executive Order (EO) No. 67 na  nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakasaad ang pagbuo ng Presidential Office for Child Protection (POCP).
File

MANILA, Philippines — Nagtatag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang tanggapan na magbibigay proteksyon sa mga kabataan dahil sa pagtaas ng kaso ng online child sexual abuse at exploitation.

Sa Executive Order (EO) No. 67 na  nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakasaad ang pagbuo ng Presidential Office for Child Protection (POCP).

Layon nito na maproteksyunan ang mga bata laban sa physical at mental distress.

Sa ilalim ng EO, tungkulin ng POCP na i-moni­tor at tiyaking naipatutupad ang mga programa polisiya ng gobyerno.

Maliban dito pinatutukan din ng EO ang kapakanan ng mga bata, ang anti-OSAEC, anti-child human trafficking matters, at anti-CSAEM (Child Sexual Abuse or Exploitation Materials).

Pamumunuan ang POCP ng Presidential Adviser for Child Protection (PACP) at pangangasiwaan ng Special Assistant to the President (SAP).

Show comments