MANILA, Philippines — Magsususpinde ng operasyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 3 (LRT-1) sa tatlong huling weekend ng Agosto.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), layunin nitong pabilisin ang paghahanda sa target na pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ikaapat na bahagi ng 2024.
Sa inilabas na abiso ng LRMC kahapon, nabatid na suspendido ang serbisyo ng LRT-1 sa Agosto 17 hanggang 18; Agosto 24 hanggang 25 at Agosto 31 hanggang Setyembre 1.
Tiniyak naman ng LRMC na ang temporary closures ng rail line ay magreresulta sa long-term convenience ng mga commuters sa sandaling maging maayos na ang pinalawak na LRT-1.
Pinayuhan din ng LRMC ang mga commuters na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit na lamang ng ibang alternatibong transportasyon.