18 fire volunteers sugatan sa sunog sa Tondo

MANILA, Philippines — May kabuuang 18 fire volunteers ang nasugatan sa naganap na sunog na sumiklab sa isang lumang gusali sa Tondo, Manila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Christian Cabuhay, 35; Genorskie Saldaña, 35; Arjay Parsalo, 21; Paolo De Malata, 28; Danjake Kawaling; Marlon Floransa; Ejay Castillo, 24; Angel John Bacani, 30; Russell Poblete, 47; Patricia Libis; Danjane Fajardo; Maan Floranza; Bien Antonio; Julio Rafael Lim; John Amene; Patricia Acedo; Joanna Mae Mandap at Rhazel Jade Parsario, 21 na pawang nagtamo ng first to second degree burns sa iba’t ibang ba­hagi ng kanilang katawan.

Sa report ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) na dakong alas-7:51 ng gabi ng Huwebes nang sumiklab ang sunog sa 0383 Guidote St., Balut, sa Tondo.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa repair at storage area ng ikalawang palapag ng gusali, na pagma-may-ari umano ng isang Anna Lim Koo at inookupahan naman ng isang “Mr. Soon.”

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P19,985,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog, na hindi pa batid ang pinagmulan.

Nasa ikalawang alarma pa lamang ang sunog at patuloy pang inaapula ng mga otoridad habang ginagawa ang balitang ito.

Show comments