^

Police Metro

3-araw na tigil-pasada muling ikinasa ng Manibela

Mer Layson - Pang-masa
3-araw na tigil-pasada muling ikinasa ng Manibela
Members of the transport group Manibela hold a motorcade along Commonwealth Avenue in Quezon City.
Walter Bollozos

Simula Agosto 14-16…

MANILA, Philippines — Muling manga­ngalampag sa pamahalaan ang grupong Manibela sa kanilang ikakasang tigil-pasada mula Agosto 14 hanggang Agosto 16.

Ito ay kasunod nang deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ituloy ang patuloy na pinagtatalunang Public Transport Modernization Program (PTMP).

Ayon kay MANIBELA President Mar Valbuena, malabo ang naging pahayag ni PBBM at hindi aniya nito binasa ang resolusyong inihain ng Senado dahil tila hindi nito alam ang dahilan kung bakit nais ng mataas na kapulungang suspendihin ang programa.

Dagdag pa niya, kung wala pa ring mang­yayaring malinaw na dayalogo sa pagitan ng kanilang grupo at ng mga kaukulang ahensya, hindi na sila mapipigilan sa planong protesta.

Matatandaang kama­kailan ay nagpalabas ang Senado ng resolusyon na nagrerekomenda sa temporary suspension ng PUVMP na tinututulan naman ng mga transport cooperatives na tumalima sa programa.

 Hindi rin naman pinaboran ng pangulo ang resolusyon na nilag­daan ng 22 senador, at sa halip ay nanindigan sa kanyang suporta sa naturang moder­nization program, na mas kilala na ngayon sa tawag na Public Transport Modernization Program (PTMP).

TIGIL PASADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with