^

Police Metro

19 Brgy. Chairman, higit 300 residente sa Bataan nagpakalbo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

Buhok gagamiting harang sa oil spill…

MANILA, Philippines — Nasa 19 na barangay chairman habang mahigit sa 300 residente ng lalawigan ng Bataan ang nagpakalbo nitong Linggo upang i-donate ang kanilang buhok na upang mapigilan ang oil spill sa Manila Bay.

Ang programa na pamumunuan ni  Barangay Alion chairman Al Balan, pangulo ng Mariveles Liga ng mga Barangay ay nagkasundo silang 19 kapitan na magpakalbo at higit 300 residente na i-donate ang kanilang buhok para gamitin sa paggawa ng boom na pipigil sa pagkalat ng tumagas na langis mula sa mga barkong lumubog sa kanilang baybayin.

Malaki aniya ang kanilang pasasalamat sa suporta ng mga residente sa proyekto na maka­tulong sa mga mangi­ngisdang naapektuhan ng oil spill.

Nabatid na bukod sa kanilang mga buhok, nakahanda na rin aniya ang pitong truck na puno ng coconut husk at marami pa ang darating mula sa Mariveles local government.

Gigilingin ang bunot, ibabalot sa net at saka ilalatag sa dagat para dito kumapit ang langis at hindi na kumalat pa.

OIL SPILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with