^

Police Metro

76% Pinoy suportado cellphone ban sa mga paaralan - survey

Malou Escudero - Pang-masa
76% Pinoy suportado cellphone ban sa mga paaralan - survey
Stock image of people using their mobile phone.
Pixabay

MANILA, Philippines — Walo sa 10 Pinoy ang pabor sa pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa mga paaralan.

Ito ay batay sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Hunyo 17-24, 2024 at kinomisyon ni Senador Win Gatchalian.

Nabatid na 76% ng mga 1,200 adult respondents sa buong bansa ang sumasang-ayon sa pagkakaroon ng cellphone ban sa mga paaralan.

Labintatlong por­syento ang hindi sumasang-ayong, samantalang 11% naman ang nagsasabing hindi nila matukoy kung sumasang-ayon sila o hindi.

Suportado ang panukala ng mayorya ng mga Pilipino anumang socioeconomic class ang pinagmulan nila. Pinakamalakas ang suporta sa Class ABC (80%), kasunod ng Class D (76%), at Class E (71%).

Lumalabas na halos 8 sa 10 kalahok sa National Capital Region (80%), Balance Luzon (79%), at Mindanao (81%) ang sumasang-ayon sa natu­rang panukala. Samantala, 6 sa 10 (61%) na kalahok naman mula sa Visayas ang sumasang-ayon dito.

Batay sa pagsusuring ginawa ng Senate Committee on Basic Education sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), 8 sa 10 mag-aaral na may edad 15 ang iniulat na naabala sila sa klase dahil sa paggamit nila ng smartphones, at 8 rin sa 10 ang nag-ulat na naabala sila sa paggamit ng ibang mga mag-aaral ng kanilang mga smartphone.

CELLPHONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with