21 lugar nagdeklara ng state of calamity dahil sa oil spill

Shown here is a photo taken during President Ferdinand Marcos Jr.'s recent aerial inspection of the oil spill which occurred nearby Oriental Mindoro
Released/Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Sumampa na sa 21 mga lugar ang nagdeklara ng State of Calamity dahil sa oil spill sa Limay, Bataan bunsod ng pag­lubog ng MT Terranova.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), 12 munisipyo at lungsod sa Bataan; 7 munisipyo at 2 siyudad sa Cavite kabilang ang Bacoor City, Cavite City, Kawit, Nove­leta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.

Tinatayang higit sa 25,000 mangingisda  ang apektado ng oil spill sa CALABARZON.

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng tulong sa mga apektadong mangi­ngisda.

Show comments