Lehitimong POGOs front din ng illegal activities
MANILA, Philippines — Ginagawang front ng iba pang uri ng illegal aktibidades ng mga sindikatong kriminal tulad ng farm, love scam, illegal pornography at talamak na prostitusyon ang mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ito ang nabuking ng panel ng Kamara matapos ang pag-iinspeksiyon kamakalawa ng mga mambabatas ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa POGO hub ng Lucky South 99 Inc., sa Porac, Pampanga.
Dahil dito, tiniyak ni Romualdez na mayroong mananagot sa mga iligal na aktibidad na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Pinangunahan ni Romualdez ang mga opisyal ng Kamara de Representantes sa isinagawang ocular inspection sa 10-hektaryang POGO hub na mayroong 46 gusali na sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong Hunyo.
Nagsagawa rin ng inspeksyon ang mga miyembro ng Kamara sa POGO hub sa Bamban, Tarlac na pinatakbo ng Zun Yuan Ti at sa warehouse ng Empire 999 Realty Corp. sa Mexico, Pampanga, kung saan nakumpiska ang P3.6 bilyong halaga ng shabu noong nakaraang taon.
Sa joint investigation ng House Committees on Public Order and Safety at on Games and Amusements ay naiugnay ang network ng mga Chinese nationals, kasama ang dating presidential adviser Michael Yang, sa operasyon ng POGO at drug trafficking.
- Latest