MANILA, Philippines — Nasa 3,000 hektarya ng lupa sa 7 mga tampok na islets sa South China Sea ang inokupa ng China kaugnay ng pagpapalawak nito ng nasasakupan sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad at ito ay ang 7 features sa Panganiban (Mischief Reef),Johnson (Mabini Reef) na pawag nasasaklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas at Zamora Reef na pinagtayuhan naman ng China ng kanilang pasilidad ng militar.
Sinabi ng opisyal na ang illegal na pagpapalawak ng teritoryo ng China ay ibinasura na sa Arbitral Ruling na ang lahat ng features na inestablisa ng Chinese Communist Party sa South China Sea ay walang maritime na entitlements o titulo habang ibinasura rin ang 9 dash line ng Beijing.
Ayon pa sa opisyal mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5 ay nasa 122 Chinese vessels ang namonitor ng Philippine Navy sa WPS na mas mataas na 104 vessels ang nasa lugar.
Tinukoy ng opisyal na kabilang dito ang monster ship at survey vessel ng China na nagkakalat sa bisinidad ng Sabina Shoal kung saan nadiskubre naman ang mga itinambak na dinurog na corals.
Sinabi pa ni Trinidad na kadudaduda ang pakay ng oceanographic research vessel na Ke Xue Hao ng China na nagsasagawa ng pa-sigzag na “pattern” sa Escoda Shoal.