^

Police Metro

Oil firms magpapatupad ng katiting na bawas-presyo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Oil firms magpapatupad ng katiting na bawas-presyo
A gas station attendant is seen filling up vehicles at a pump station in Paco, Manila on July 27, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Ngayong araw sa ikaapat na pagkakataon, ay magpapatupad ng bahagyang rollback sa presyo ng diesel at ikatlo naman sa gasolina ang mga lokal na kumpanya ng langis.

Ipinahayag ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines na epektibo alas-6:01 ng umaga ngayong Martes, ang P0.10 sa kada litro sa premium at unleaded na gasolina, P0.20 sa kada litro sa diesel, at P0.45sa kada litro sa kerosene.

Dalawang iba pang malalaking kumpanya ng langis, ang PTT Phili­ppines at Total Philippines, kasama ang mga independent oil players Jetti Petroleum, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Unioil Philippines, at Eastern Petroleum, na hindi nagbebenta ng kerosene, ay nag-anunsyo na babawasan din nila ang kanilang pump prices ng diesel at mga produktong gasolina sa parehong antas ngayong alas-6:01 ng umaga habang ang Clean Fuel na mauuna sa pagpatak pa lang ng alas-12:01 ng umaga ng Martes.

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with