2 pa patay sa Butchoy, Carina, habagat
MANILA, Philippines — Dalawang katao pa ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi kaugnay ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslide sa pananalasa ng Tropical Depression Butchoy, Carina at southwest monsoon o habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Counil (NDRRMC) nitong Lunes.
Ayon sa NDRRMC ang dalawang karagdagang namatay ay mula sa Metro Manila pero nilinaw na nagsasagawa pa sila ng pag-validate sa kaso ng karagdagang mga biktima.
Sa kasalukuyan, ayon sa NDRRMC ay nasa kabuuan ng 48 nasawi ang napaulat sa kanilang tanggapan kabilang ang 14 kataong na-validate na habang ay iba pa ay patuloy na isinasailalim sa pag-validate o beripikasyon.
Iniulat ng NDRRMC na ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi sa bilang na 22 katao kasunod ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas at Rizal).
Apat ang una nang napaulat na namatay sa Zamboanga Peninsula, tig dalawa sa Central Luzon at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao habang sa Ilocos Region, Northern Mindanao, at Davao Region ay tig-isa naman ang mga nasawi.
- Latest