^

Police Metro

Chinese na sangkot sa human trafficking, arestado

Mer Layson - Pang-masa
Chinese na sangkot sa human trafficking, arestado
Kinilala ang lala­king Chinese na si Wang Chuancong, 35, na naaresto sa loob ng kanyang condominium unit sa Roxas Blvd. sa Parañaque City noong July 30 na pinangunahan ng Fugitive Search Unit ng BI.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Investigation (BI) ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa trafficking ng mga kapwa Chinese upang magtrabaho sa mga online gaming hub o POGO sa Pilipinas.

Kinilala ang lala­king Chinese na si Wang Chuancong, 35, na naaresto sa loob ng kanyang condominium unit sa Roxas Blvd. sa Parañaque City noong July 30 na pinangunahan ng Fugitive Search Unit ng BI.

Ayon sa BI, ang pag-aresto ay sang-ayon na rin sa kahilingan ng mga otoridad ng Tsina na naglabas ng detention warrant laban kay Wang sa Jinjiang, China, noong Abril 2024, kung saan kinahaharap nito ang kaso ng human trafficking.

Inaakusahan din si Wang na pinamumunuan nito ang isang sindikato kung saan namemeke ito ng mga dokumento para sa ilegal na pag-alis ng mga Chinese national upang magtrabaho sa ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Ibinunyag din ni BI Commissioner Norman Tansingco na si Wang ay itinuturing na undocumented alien dahil sa pagkansela ng kanyang pasaporte ng gobyerno ng China. Pumasok din umano si Wang sa bansa noong Pebrero bilang isang turista.

Kasalukuyang nananatili sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si Wang habang hinihintay ang kanyang deportasyon pabalik ng China.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with