Pagpupuslit ng P38.8 milyong marijuana nasabat ng BOC

Nabatid na ang shipment ay idineklarang naglalaman ng plastic tableware, kitchenware, blankets, men’s shoes, at iba pa, ngunit sa derogatory information na nakarating sa CIIS ay mayroon itong lulang illegal drugs,gayundin ng misdeclared, at undeclared items.
AFP

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P38.8-milyong halaga ng pinatuyong marijuana mula sa Thailand ang nasabat sa Manila International Container Port (MICP) noong nakaraang linggo.

Kaagad na hiniling ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Station sa MICP ang 100% physical examination para sa isang shipment na naka-consigned sa Philippians 4:19 Export and Import Gen. Mdse. noong Mayo matapos na matanggap ang derogatory information hinggil sa mga nilalaman ng shipment.

Nabatid na ang shipment ay idineklarang naglalaman ng plastic tableware, kitchenware, blankets, men’s shoes, at iba pa, ngunit sa derogatory information na nakarating sa CIIS ay mayroon itong lulang illegal drugs,gayundin ng misdeclared, at undeclared items.

Kinilala naman ni CIIS Director Verne Enciso, na nasa timon ng intelligence report na humantong sa pagkakasamsam ng mga droga, ang nagpadala ng shipment na isang Wilma Bula­hagui, habang si Erickson Bulahagui naman ang receiver nito.

“Initial x-ray scanning of the shipment last July 31 and August 1 resulted in the detection of suspected dried marijuana inside 78 boxes,” aniya.

Kabilang sa mga marijuana na nadiskubre sa tatlong boxes ay isang malaking box na may lamang 27 piraso ng heat-sealed plastic packages; isang king-sized box na may 40 pieces ng heat-sealed plastic packages; at isang king-sized box na may 32 pieces ng heat-sealed plastic packages. Ayon kay Enciso, ang estimated value ng marijuana na natagpuan sa tatlong kahon ay P38,808,000.

Matapos naman ang inspeksiyon ay ibinalik sa container van, na mu­ling isinelyo at ipinadlak para sa safekeeping.

Show comments