Dagdag sahod sa government workers, aprub na ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Aprubado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang executive order na magbibigay ng umento sa sahod at dagdag sa mga benepisyo ng manggagawa sa gobyerno.
Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64.
Sa ilalim ng nilagdaang EO 64, ang updated na pasahod sa mga government workers na nakatalaga sa executive, legislative, at judicial branches; constitutional commissions at iba pang constitutional offices.
Base sa kautusan, ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng Republic Act 10149 o ang “GOCC Governance Act of 2011”, ay sakop ng EO. Kasama rin sa dagdag umento ang mga nasa lokal na pamahalaan.
Ipatutupad ang umento sa sahod sa apat na tranches. Unang matatanggap ng mga manggagawa ang umento sa sahod Enero 1, 2024; ikalawang tranche sa Enero 1, 2025; ikatlong trancheb tranche sa Enero 1, 2026; at ang ikaapat na tranche sa Enero 1, 2027.
Inatasan naman ang Department of Budget and Management (DBM) na mag-isyu ng kaukulang guidelines para maipatupad ang nakasaad sa EO 64.
- Latest