MANILA, Philippines — Tatlong natitirang filipino seafarers na binihag sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman ang pinalaya na ng Iranian Revolutionary Guard.
Sa pahayag ng Presidential Communications Offfice (PCO), inulat ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakauwi na ng bansa ang tatlong tripulanteng Pinoy noong Huwebes subalit hindi lang nila agad ito inanunsyo.
Matatandaan na bumibiyahe ang Portuguese MSC Aries sa Strait of Hormuz nang harangin ang barko na may sakay na 25 crew members kabilang ang apat na Filipino seamen noong Abril 13, 2024.
Magugunita na una nang pinalaya ang isang tripulanteng Pinoy noong Mayo.