^

Police Metro

Driver hinataw ng LPG tank ng kuya, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Driver hinataw ng LPG tank ng kuya, todas
Kinilala ang nasawing biktima na si Cesar Pedro Labao Daña, driver habang nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kuyang suspek na si Gabriel Labao Daña, 60, kapwa stay-in sa BPTS Compound sa No. 1240-G Araneta, Brgy. Talayan, Quezon City.
File

Nagtalo sa inuman…

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 50-anyos na lalaki matapos hatawin ng LPG (liquified petroleum gas) ng kanyang kuya nang magtalo habang nag-iinuman, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Cesar Pedro Labao Daña, driver habang nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kuyang suspek na si Gabriel Labao Daña, 60, kapwa stay-in sa BPTS Compound sa No. 1240-G Araneta, Brgy. Talayan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, bago nangyari ang insidente alas-9:00 ng gabi ay masayang nag-iinuman ang magkapatid kasama ang iba pang kasamahan sa trabaho nang bigla na lamang sitahin ng biktima ang suspek sa hindi malamang dahilan.

Nagsuntukan ang magkapatid na naawat naman ng kanilang mga kasamahan at dito na umalis ang biktima.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang biktima na may dalang lyabe at muling kinompronta ang kapatid.

Bunga nito, nagalit ang suspek at hinataw sa ulo ng superkalan ang biktima.

Agad na humingi ng saklolo ang mga saksi na nagresulta rin ng pagkakadakip sa suspek.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with