P1 bilyong budget para sa mga biyahe ni Pangulong Marcos sa 2025
MANILA, Philippines — Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit isang bilyong piso para sa mga nakatakdang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na taon.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na P1.054 billion ang panukalang alokasyon para sa travel expenses ng Office of the President sa 2025 National Expenditure Program.
Ayon kay Pangandaman, mas mababa ito ng walong porsiyento kumpara sa kasalukuyang budget ng Office of the President na P1.148 billion.
Mahalaga aniya ang mga biyahe ng Presidente dahil kailangang i-follow up ang mga napirmahang mga kasunduan sa iba’t ibang mga bansa para sa mga dagdag na pamumuhunan at trabaho sa Pilipinas.
Kasama sa mga misyon ng Presidente tuwing bumibiyahe abroad ay manghikayat ng mga negosyante at mga foreign investor para maglagak ng puhunan sa bansa.
- Latest