^

Police Metro

Vietnamese fishing boat lumubog sa WPS  

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Vietnamese ­fishing boat ang lumubog kahapon sa loob ng bahagi ng Quirino Jackson Atoll sa West Philippine Sea (WPS) isang traditional fishing ground para sa mga mangingisdang Pilipino na tinatayang 140 nautical miles sa kanluran ng Palawan.

Sinabi ni Philippine Navy (PN) spokesperson Commander John Percie Alcos na may bow number na Q. Ng 96554 TS ang lumubog na vessel kaya’t idineploy ang patrol ship BRP Ramon Alcaraz (PS16) sa lugar upang beripikahin ang ulat.

Sinabi ni Lt. Cdr. Christofer Neil Calvo, commanding officer ng PS16, na dumating sila sa bisinidad ng nasabing atoll at agad na pinakilos ang rescue team.

Subalit, walang nakitang sakay ang nasabing vessel, na nangangahulugang posibleng inabandona ng mga tripulante ang nasabing sasakyang-pandagat. Dahil walang nakitang sakay, hindi matukoy ang dahilan ng paglubog ng bangka.

Naobserbahan din ang lumulutang na mga pagkain at inumin malapit sa vessel, base kay Alcos.

Anang opisyal, nakumpirma ng PS16 kalaunan na nasagip ng isa pang vessel ang tripulante ng nasabing bangka.

Samantala,sa di kalayuan sa lugar ay isa pang Vietnamese  vessel ang naispatan na nasa 4.5 nawtikal na milya ang layo na indikasyon na ang mga sakay nitong Vietnamese ay sinagip na ng kanilang mga kasamahan na nakumpirma rin matapos ang beripikasyon.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with