^

Police Metro

5K pulis ipinakalat sa Balik-Eskwela 2024

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 5,000 pulis sa Metro Manila ang ipinakalat sa mga paaralan upang tiyakin na maayos at payapa ang pagbabalik paaralan ng mga estudyante.

Nitong Miyerkules ay personal na ininspeksyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga eskwelahan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ‘walkthrough’ sa Quezon City, Pasig, Pateros, Taguig, at Maynila nitong Miyerkuels.

Inalam ni Nartatez kung naipatutupad ang mga protocol ng seguridad at nakipag-ugnayan sa mga nakatalagang pulis upang matiyak ang kanilang kahandaan. Nakipag-usap din siya sa mga opisyal ng paaralan upang tugunan ang anumang mga alalahanin at tinalakay ang mga pagtutulungang hakbang upang mapahusay ang kaligtasan sa loob ng lugar ng paaralan.

Kabilang sa mga paaralang napuntahan ay ang Fort Bonifacio High School sa Taguig City; Pateros National High School sa Pateros; Rizal High School sa Pasig City; Batasan High School sa Quezon City; Centro Escolar University sa Mendiola, Manila; La Consolacion College Manila sa San Miguel, Manila; at Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc, Manila.

Sa loob ng buong taon ng may klase ay sisikapin ng NCRPO na mapanatili ang pagbibigay ng proteksyon sa kapaligiran ng mga paaralan at komunidad. 

vuukle comment

BALIK-ESKWELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with