DPWH inamin na walang national masterplan sa baha

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagdinig ng Senado na walang national flood control masterplan sa pagkontrol ng baha sa buong bansa.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on public works, hinanap ni Senator Imee Marcos kay DPWH Secretary Manuel Bonoan ang masterplan sa pagsugpo ng baha.

“Does this exist? Do we actually have a master plan... Until today we have no answer with regard to this master plan,” ani Marcos.

Sinabi ni Bonoan na inia-update pa ang feasibi­lity at masterplan sa ilang aspeto nito.

“Your honor as I mentioned, I think the updating of the feasibility of the masterplan is still ongoing in some aspects,” ani Bonoan.

Inimbestigahan ng komite ang nangyaring malawakang pagbaha dahil sa Bagyong Carina.

Aminado si Bonoan na ang natapos na 5,521 flood control projects ay “pinagtagpi-tagpi” lamang at magkakahiwalay na proyekto upang magbigay ng agarang tulong ang mga mabababang lugar sa bansa.

Show comments