^

Police Metro

Magdyowa dinukot ng 3 lalaki

Ludy Bermudo - Pang-masa
Magdyowa dinukot ng 3 lalaki
Kinilala ang mag-live in na biktima na sina Mary Grace Frondozo, 29-anyos; at Ronnie Ignacio, 33 anyos, kapwa residente ng Antipolo City, Rizal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang mag-live in ang dinukot nang matagpuan ang abandonado nilang sasakyan sa Ortigas Ave­nue Extension, Cainta, Rizal, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mag-live in na biktima na sina Mary Grace Frondozo, 29-anyos; at Ronnie Ignacio, 33 anyos, kapwa residente ng Antipolo City, Rizal.

Bago ang insidente alas-11:30 ng umaga, isang concerned citizen ang nag-report sa pulisya hinggil sa isang Nissan Juke SUV na kulay pearl white na iniwan sa harap ng 7/Eleven convenience store sa tapat ng Rublou Businmess Center, Ortigas Avenue, sakop ng  Barangay Sto. Domingo, Cainta.

Upang matukoy ang owner ng sasakyan ay inihanda ng pulisya ang request para sa vehicle verification sa  Land Transportation Office (LTO)  nang dumating ang isang Ernesto Fronsozo, 65, sa Cainta Municipal Police Station, alas-12:30 ng gabi para ipa-blotter ang pagkawala ng anak at ng live-in partner.

Isinalaysay niya na bandang alas-4:00 ng  madaling araw ng Hulyo 29 nang mag-chat sa messenger ang anak na pauwi na sila sa bahay nito at nagtanong pa kung ano ang gustong dalhin sa kaniyang pagkain para sa almusal.

Hindi na nasundan pa ng chat o tawag mula sa anak at nainip na ito kaya tinawagan subalit naka-off na umano ang cellphone ng anak at maging ang live-in partner nito.

Sa isinagawang imbestigasyon at pagsusuri sa nakalap na CCTV footages, nadiskubre na hindi bababa sa tatlong kalalakihan ang dumukot sa dalawang biktima alas-4:20 ng mada­ling araw. Isinakay sila sa Mitsubishi L300 FB Body na walang plate number.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with