MANILA, Philippines — Kasunod nang pagtatapos na kahapon ng 30-araw na toll holiday na ipinairal ng Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex) ay arangkada na muli ngayong araw ang paniningil.
Alinsunod ito sa isang board resolution na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) at nagsususpinde sa toll fees sa expressway.
Nakasaad sa board resolution ang ‘temporary cessation’ o pansamantalang pagtigil ng toll collection activities, sa RFID man o cash, sa lahat ng segments ng Manila-Cavite Toll Expressway Project, sa loob ng 30 calendar days, epektibo nitong Hulyo 1, 2024.