^

Police Metro

Ex-Quezon gov. Suarez, pamilya kinasuhan sa piskalya

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating emple­yado ng pamilya ni dating Quezon governor Danilo Suarez ang nagsampa ng reklamo sa Office of the Provincial Prosecutor sa San Carlos Pangasinan ng paglabag sa Republic Act No. 9516 (Section 4-a) at Republic Act. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition) sa ilalim ng criminal case na planting of evidence.

Ayon kay Jestin Aquino napilitan na niyang isiwalat ang umano’y panggigipit, pananakot at pagtatanim ng baril at bala ng dating gobernador at iba pa nang malaman na ipapatay ‘di umano ng Suarez ang kanyang ama na si Jaime Aquino na isang mamamahayag na nakabase sa Pangasinan.

Nasaksihan aniya ni Jestin nang taniman ng granada at baril ang bahay ng kanyang ama sa Pangasinan ng mga otoridad at nagkibit balikat lamang siya dito.

Bukod kay Suarez, kasama rin sa kaso ang misis nitong si dating Congresswoman Aleta; Cong. Jayjay Suarez; Atty. Alfredo Villamor; mga tauhan na sina Fiel Vida; Sandy Valenzuela Dy; Jerome “Ngongo” De Villa; Ruperto Mirando IV; Arkie Ortiza Yulde; at Emeterio Dongallo Jr.

Aminado si Jestin na nagpagamit siya sa mga Suarez dahil na rin sa galit niya sa kanyang ama na si Jaime at napilitan siyang lumantad nang malaman na ipapatay na di umano ng Suarez ang kanyang ama.

Bagama’t mayroon silang hindi pagkakaunawaan hindi niya maatim na may mang­yari sa kanyang ama at nais lamang niyang itama ang kanyang pagkakamali.

Natatakot na rin siya sa kanyang buhay dahil sa mga umalialigid na sasakyan sa kanyang bahay.

KASO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with